GMA Logo Chicharon
PHOTO COURTESY: Dapat Alam Mo!
What's on TV

Dapat Alam Mo!: Chicharon sa Bulacan, mas malaki pa sa mukha ng tao?

By Dianne Mariano
Published October 3, 2024 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano logs 'minor' fountain activity as eruption enters 89th day
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Chicharon


Bukod sa malaking size ng chicharon, kabilang sa ginagamit nilang sauce para ito ay tsokolate.

Tampok sa recent episode ng Dapat Alam Mo! ang chicharon sa Guiguinto, Bulacan dahil sa malaking size nito.

Ayon sa owner ng Chicharonas na si Benjamin Batac, nagsilbing inspirasyon niya ang kanyang lola sa paggawa ng giant chicharon na may chocolate sauce.

“Noong pang 1974, ginagawa niya na 'yan. Noong mga bata kami, ayaw naming kumain ng chicharon na may suka. So nag-formulate 'yung lola ko para kaming magpipinsan ay makakain din ng chicharon,” pagbabahagi niya.

Dagdag pa niya, mas malaking hamon ang pagluluto ng giant chicharon kumpara sa karaniwang chicharon.

Aniya, “Ang pinaka-challenge natin sa paggawa ng giant chicharon is kung paano natin siya ilalapat na talagang mahaba. Kasi usually gumagawa ng mga giant chicharon ay talagang nagku-curve.”

Ang back skin, o balat ng likuran ng baboy, ang ginagamit ni Benjamin sa kanilang chicharon. Mayroon ding iba pang parte ng baboy silang ginagamit gaya ng belly.

Sa paggawa ng chicharon, ipi-precook ang balat ng baboy upang lumabas ang sariling mantika nito. Sa curing process naman, pinatutuyo ang balat para mawala ang tubig at tumagal ang shelf life nito ng isang taon. Ito rin ang rason kung bakit nagiging mas malutong ang chicharon.

Matapos ito, ipiprito sa malaking kawali ang cured na mga balat sa 500 degrees celsius na mantika upang pumutok at maging malutong. Ganito rin ang prosesong pagdadaanan sa paggawa ng giant chicharon.

Umabot naman sa 60 inches ang haba ng giant chicharon at binebenta nila ito online. Maaaring mamili kung suka, chocolate, o barbeque sauce ang sawsawan.


Mga suki viewers, patuloy na panoorin ang Dapat Alam Mo! at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.