
Nagsimula na ngayong Lunes ang masayang 16th anniversary celebration ng It's Showtime sa pamamagitan ng "MagPASKOsikat."
Pangmalakasang opening number ang hatid ng It's Showtime hosts na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Jhong Hilario, Ryan Bang, Karylle, Ogie Alcasid, Kim Chiu, Darren Espanto, MC, Lassy, Ion Perez, Jackie Gonzaga, at Cianne Dominguez kasama ang ilang kilalang Pinoy rappers sa kanilang rap performance.
Sa panayam ng GMANetwork.com sa singer at host na si Darren, masaya sa kaniyang pakiramdam ang maipagdiwang ang ika-16th na anibersaryo ng noontime variety show.
"I feel like celebrating the anniversary of It's Showtime, parang po siyang tradition ng pamilyang Pilipino na talaga," pagbabahagi niya.
Ayon pa kay Darren, isang privilege na naging bahagi siya ng It's Showtime.
Dagdag pa niya, "Ang saya-saya lang ng feeling na umabot po ang It's Showtime ng 16 years and many more to come, hopefully."
Nang tanungin si Darren tungkol sa kaniyang core memory sa show, ito raw ay ang unang guesting niya noong siya'y 13 years old.
Aniya, "Core memory ko sa It's Showtime, siguro 'yung first guesting ko nung 13 years old ako na kumanta ako ng Domino after makalabas sa The Voice Kids."
Subaybayan ang It's Showtime Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMa at Kapuso Stream.
RELATED GALLERY: Career journey of Asia's Pop Heartthrob Darren Espanto