GMA Logo Darren Espanto
What's on TV

Darren Espanto, nagpakilig sa kanyang birthday performance

By Kristine Kang
Published May 27, 2024 2:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 25, 2025
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Darren Espanto


Isang masaya at malakas na special number ang ibinigay ni Darren Espanto sa 'It's Showtime.'

Isang pasabog na birthday celebration ang ihinandog ng Asia's Pop Heartthrob na si Darren Espanto sa noontime program na It's Showtime.

Umpisa pa lang ng special number, kinilig ang madlang audience nang nag-ala-Justin Beiber si Darren habang inaawit niya ang sikat na kantang "Baby."

Napa-throwback naman ang lahat sa kanyang retro-inspired performance na "As It Was" ni Harry Styles at "Standing Next to You" ni BTS Jungkook. Todo hiyawan din ang madlang Kapuso nang ipinamalas ni Darren ang kanyang dance moves habang kumakanta live on stage.

Pagkatapos ng kanyang special performance, lahat ay bumati ng "Happy birthday" sa talented host, lalo na ang kanyang mga besties at co-hosts na sina Kim Chiu at Ryan Bang.

Maraming natuwa sa birthday message ni Kim dahil kitang-kita nila ang closeness at pagmamahal ng dalawang magkaibigan.

Sabi ni Kim, "Bestie I love you so much, thank you for being a sunshine sa lahat ng nakakasama mo. Oo, 'pag nandyan ka, feeling namin komportable kaming lahat because you're very friendly, accommodating, at bata ka pa pero 'yung utak mo matanda na."

Napatawa naman ang madlang people sa birthday wish ni Ryan para kay Darren. Message kasi ni Ryan, "Happy, happy birthday. More, more blessings to you. Sana lagi ka may oras sa mommy mo, daddy mo."

Pabirong dagdag din ng Koryano, "Darren noong dumating ka, sobrang happy ako kasi akala ko hindi na ako bunso pero sa akin pa rin binu-bully n'yo, ako pa rin ang bunso. Dapat si Darren na 'yung bunso eh. Sobra na 'yung pagmamahal n'yo mga kuya ko. Tama na, tama na. Kay Darren naman. Ipapasa ko sa iyo bully nila sa akin."

Maliban sa birthday wishes at mga bati, naghandog din ng birthday cake ang mga It's Showtime hosts para sa celebrant.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado sa oras na 12 noon sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Related gallery: Career journey of Asia's Pop Heartthrob Darren Espanto