GMA Logo Darren Espanto and AC Bonifacio
Source: It’s Showtime & GMA Network
What's on TV

Darren Espanto, pinangalanan ang babae na madalas nali-link na 'girlfriend' daw niya

By Aedrianne Acar
Published June 18, 2024 2:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PhilSA warns of China rocket debris near Puerto Princesa, Tubbataha
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Darren Espanto and AC Bonifacio


Darren Espanto: “Ganun talaga closeness namin, pero alam namin never magiging kami.”

Na-ishare ng singer-heartthrob na si Darren Espanto ang tungkol sa platonic relationship niya sa isang babae na ka-close niya.

Sa episode ng EXpecially For You ngayong Martes (June 18) sa It's Showtime, tampok ang love story ng searcher na si Ian at ex-girlfriend niya na si Aubrey.

Napa-open up si Darren nang dumating sa punto ang kuwentuhan sa 'platonic relationship' at dito niya ibinahagi ang pagkakaibigan nila ni AC Bonifacio.

Lahad niya sa It's Showtime, “May mga platonic relationship talaga 'yung mga lalaki 'tsaka babae na hindi lahat makaka-gets din, kasi hindi naman din laging mag-bestfriend lang ang lalaki 'tsaka babae.”

Tanong sa kaniya Vhong Navarro, “Ikaw ba Darren, meron kang ganun.. yung platonic?”

“Oo si AC Bonifacio, napagkamalan kaming jowa madalas, alam mo 'yun? Ganun talaga closeness namin, pero alam namin never magiging kami,” sagot ng binata.

Nag-biro naman si Vhong na: “Hindi naman nagme-message si AC sa'yo na sayawan mo naman ako..Wala naman ganun?”

A post shared by @acbonifacio

Napasayaw ang Asia's Pop Heartthrob habang nagpapaliwanag sa mga It's Showtime co-hosts niya. Sabi nito, “Yung mga biruan namin ano talaga, yung mga biruan namin minsan dumarating sa mga ganung mga punto na, hindi joke lang.”

Pagpapatuloy ni Darren, “Dumarating sa mga jokes na ganun pero not while we're in relationships.' Tsaka kung may mga ganung jokes, gets ng mga jowa namin kung paano kami as friends.”

Darren Espanto on his platonic relationship

Source: acbonifacio (IG), It's Showtime & GMA Network

RELATED CONTENT: GET TO KNOW DARREN ESPANTO