
Napagkuwentuhan sa 'EXpecially For You' segment ng It's Showtime kung paano si Darren Espanto makisalamuha sa pamilya ng kaniyang mga nililigawan.
Naunang inamin ng talented singer na naging girlfriend niya ang Sparkle actress na si Kyline Alcantara at kinumpirma naman ni Jayda Avanzado, anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado na nagkaroon sila ng 'mutual understanding' ni Darren.
Kahapon (June 12) sa EXpecially For You natanong ni Vice Ganda ang OPM singer na, “Na-meet mo ba 'yung family, Darren?”
Sagot ng binata, “Oo naman! Mas kinikilala ko muna 'yung pamilya bago 'yung tao na nililigawan ko.”
Humirit naman si Meme Vice kay Darren na: “Okay ka pa dun sa family?
“Sa lahat ng pamilya. Okay naman,” diretsong sagot niya.
Bigla naman biniro ni Kim Chiu ang BFF niya na sinabing, “Ang dami, grabe 'no, sa lahat ng pamilya sabeh.”
Tugon naman ni Darren, “Importante 'yun, siyempre nandun 'yung respeto.”
Nali-link din ang tinaguriang Asia's Pop Heartthrob kay Cassy Legaspi, pero nilinaw ng dalawa sa kanilang mga interbyu at pahayag sa social media na sila ay magkaibigan lamang.
Noong June 1, idinaos ni Darren ang kaniyang 10th anniversary concert sa Araneta Coliseum sa Quezon City.
RELATED CONTENT: GET TO KNOW DARREN ESPANTO