
Dalawang sikat na grupo sa mundo ng vlogging ang magpapagalingan sa Family Feud!
Sa “Summer tawa, Summer saya” episode ngayong April 20, mapapanood ang exciting survey showdown ng Dasovich Family at ng Bisaya Squad.
Bukod sa survey showdown, may aabangan pang espesyal na performance! Makakasama ng Bisaya Squad ang Family Feud host na si Dingdong Dantes sa sayawan sa trending hit na “Hawak Ko Ang Beat.”
Ang Dasovich Family ay pangungunahan ng kilalang adventurer at YouTube pioneer na si Wil Dasovich. Kasama niya sa Monday episode si Steve “Pudra” Dasovich na isang merchant mariner at fan-favorite sa social media; si Haley Dasovich ay isang award-winning storyteller at vlogger; at si Charry “Mudra” Lising Dasovich na multi-talented mom, nurse, artist, at interior designer.
Makakatapat nila ang Visayan-based creators sa Bisaya Squad. Sila ay ang pride ng Visayas at mayroong milyon-milyong followers online. Maglalaro sa Family Feud si Glester Capuno, na isang Boholano at dating seaman na ngayon ay may 3 milyong followers, at si Japet Capuno, na isang vlogger at negosyante na may 1.5 milyong followers. Makakasama rin nila sina Rowel “Medyo Maldito” Ucat, na isang Cebuano comedian na may higit 4 milyong followers, at si Dansoy Colanse, na pride ng Bohol na may 3 milyong followers.
Abangan kung sino sa mga viral stars ang mag-uuwi ng jackpot prize sa fresh episode ng Family Feud ngayong Lunes, April 20, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Patuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud. Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, Encantadia Chronicles: Sang'gre at Never Say Die.