
Kahit matagal na sa Pilipinas ang Korean dancer at comedienne na si Dasuri Choi, hindi pa ito kailanman nagkaroon ng Pinoy na boyfriend. Paglilinaw niya, ito ay hindi dahil ayaw niya, kundi dahil sa pagkakaiba ng kultura ng mga Pilipino at Korean.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, November 5, kinumusta ng batikang host na si Boy Abunda ang love life ni Dasuri at tinanong kung nakailang Pinoy boyfriends na siya.
Sagot ni Dasuri, “Super nakakahiya pero wala pa po. May date-date po ako, pero hindi naging kami. Ligaw, ganu'n lang.”
Nilinaw naman ng dancer-host na hindi iyon dahil ayaw niya, sa halip ay dahil sa magkaibang kultura ng mga Pinoy at Korean pagdating sa paglalagay ng label sa isang relationship. Ani Dasuri, kapag situationship or mutual understanding pa lang, parang in a relationship na ang mga kilos ng Pinoy kahit na hindi pa naman talaga sila.
“If we know that we like each other, dapat kami na, 'O di, tayo na.' 'Yun 'yung Korean thing. It's getting to be loved, [Boy: But not yet there?] Yeah. If we like each other, let's be together na, 'yun 'yung Korean thing. Dito, 'I like you.' 'Okay, you like me.' 'Okay, let's see pa.' Matagal pa. Sabi ko 'What? Why?'” paliwanag ni Dasuri.
Hindi rin daw niya kayang umasta na parang couple sila ng isang guy lalo na kung hindi pa naman talaga sila.
Tinanong din ni Boy kung tanggap ba sa Korea na mga babae ang nagpaparamdam na gusto nila ang isang guy, sinagot naman ito ni Dasuri na “oo.” Katunayan, ginagawa rin niya mismo 'yun sa Pilipinong nagugustuhan niya.
“If I have crush on them, I tell them, 'I have a crush on you.' Pero nalaman ko din po dito na hindi pwede dito na ganu'n, parang malandi,” sabi ng dancer-host.
May mga pagkakataon din umano na Korean girls ang nagpo-propose ng kasal sa kanilang boyfriends.
Samantala, nagbigay ng payong pag-ibig ang bestfriend niyang si Valeen Montenegro, “Just be herself 'cause I'm pretty sure she knows what she's doing.”
TINGNAN ANG PINOY CELEBRITIES NA NA-IN LOVE AT NAGMAHAL NG FOREIGNERS SA GALLERY NA ITO: