
Isa ang karakter ni David Chua na si Philip Lo sa mga 'di malilimutang karakter sa GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Family Fortune.
Tumatak ang karakter na is Philip sa mga manoood dahil sa makukulay at flashy niyang mga damit, hilig niya sa accessories, at ang madalas na pananabon sa kanya ng kontrabidang si Valerie (Maricel Laxa.)
Sa huling linggo ng serye, ibinahagi ni David na mami-miss niya ang pagganap sa isang eccentric character na tulad ni Philip.
"Ang aking mami-miss sa 'Mano Po Legacy' is 'yung panenermon ko sa aking staff na si Myla (Kate Yalung) at si Kerwin (VJ Mendoza), at ang aking red ruby ring na hindi ko na suot [ngayon]," pahayag ni David.
Lubos din daw niyang na-appreciate ang mga nakatrabaho niya dito.
"Ang mami-miss ko, 'yung collaboration namin ng directors, the staff, the crew. Lahat kami may kanya-kanyang pagsasamahan, may kanya-kanyang bonding sa isa't isa especially sa cast," paliwanag niya.
"Mami-miss ko, especially, 'yung pagti-TikTok nila and 'yung tawanan, sigawan, masayang sigawa,. And of course, [mami-miss ko] the camaraderie sa aming lahat, and 'yung pagtutulungan, especially pandemic pa, so kung papano namin nabuo 'yung kuwento, yung series," dagdag pa ni David.
Sa huling apat na gabi ng Mano Po Legacy: The Family Fortune, masisiwalat na kasabwat ni Valerie si Allan (Victor Basa).
Bibisita din sina Anton (David Licauco) at Joseph (Rob Gomez) sa burol ni Myla, bagay na ikagagalit ni Steffy (Barbie Forteza).
Huwag palampasin ang huling apat na araw ng Mano Po Legacy: The Family Fortune, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 pm sa GMA Telebabad.
Panoorin din ang same-day replay nito sa mula Lunes hanggang Huwebes, 11:30 pm at Biyernes ng 11:00 pm sa GTV.