GMA Logo David Licauco and Samahan Ng Mga Makasalanan cast
What's Hot

David Licauco at cast ng 'Samahan Ng Mga Makasalanan,' may meet-and-greet sa March 29

By Maine Aquino
Published March 17, 2025 5:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco and Samahan Ng Mga Makasalanan cast


Narito ang detalye sa meet-and-greet ng 'Samahan Ng Mga Makasalanan'.

May exciting na meet-and-greet si David Licauco at cast ng Samahan ng mga Makasalanan.

Ayon sa post ng GMA Pictures, kaabang-abang ang inihanda nilang weekend meet-and-greet para sa comedy film na Samahan Ng Mga Makasalanan. Ang meet and greet na ito ay para maka-bonding si David at iba pang cast ng Samahan Ng Mga Makasalanan na sina Buboy Villar, Liezel Lopez, Jay Ortega, Jade Tecson, Tito Abdul, Tito Marsy, at Liana Mae. May inihanda ring musical performance si Mitzi Josh.

Saad sa post mg GMA Pictures, "KILIGIN NA KAYO, SM CITY CALOOCAN! 😍

Ito na ang chance ninyo para magkasala kay David Licauco, este, para makapagpa-picture sa Pambansang Ginoo at lead star ng comedy movie ng taon, 'Samahan ng mga Makasalanan'!

Kitakits sa March 29, Sabado, 4:00 PM sa Mall Atrium ng SM City Caloocan! Oo, yung sa may Deparo!"

A post shared by GMA Pictures (@gmapictures)

Abangan si David at ang cast ng pelikulang Samahan Ng Mga Makasalanan sa March 29 sa SM City Caloocan.

Samantala, abangan sa mga sinehan ang pelikulang Samahan Ng Mga Makasalanan sa April 19, sa direksiyon ni Benedict Mique at sa panulat nina Aya Anunciacion at Benedict Mique.