
Ipinalabas na ang trailer ng bagong pelikula ng GMA Pictures na Samahan Ng Mga Makasalanan.
Ayon sa trailer ng GMA Pictures, "Heto na ang teaser trailer na masarap kapag ibinaon... sa ating mga puso. Samahan Ng Mga Makasalanan in cinemas April 19. Directed by Benedict Mique. Written by Aya Anunciacion and Benedict Mique."
Mapapanood sa Samahan Ng Mga Makasalanan ang mahuhusay na mga aktor at aktres na sina David Licauco, Sanya Lopez, Joel Torre, Buboy Villar, at marami pang iba.
Saad ng netizens excited na silang mapanood ang pelikula. Ilan rin ang nagpahayag ng kanilang pananabik na makita ang kanilang mga paboritong artista sa pelikula.
"Teaser palang huhu, gusto kona mapanood plss"
"Napakaganda naman ni Sanya Lopez interesting ang Character na si Mila #SamahanNgMgaMakasalanan movie sa April 19 na"
"Excited na makillaa si Sanya as Mila grabeee un last clip"
"Omg heto na! congrats David"
"Omg malapit na #SamahanNgMgaMakasalanan"
"Looks promising. Makapanood nga"
PHOTO SOURCE: Facebook: GMA Pictures
Abangan ang Samahan Ng Mga Makasalanan sa mga sinehan sa April 19, directed Benedict Mique and written by Aya Anunciacion and Benedict Mique.