
Patuloy ang training ni Pambansang Ginoo David Licauco para sa indoor fitness competition na Hyrox.
'Yan ay pagkatapos ng matagumpay niyang debut sa Taipei, Taiwan leg nito kung saan nagtala siya ng oras na 01:07:48.
Dahil dito, si David ang rank 1 sa lahat ng Filipino participants nito.
Rank 53 naman siya sa overall na kumpetisyon at rank 19 sa age group na 30 to 34.
Umani ng halos 2,000 participants ang Taipei leg ng Hyrox.
Lubos na na-enjoy ni David ang sport, kaya looking forward siyang muling sumali sa susunod na leg nito sa Hong Kong.
Ibang kategorya naman daw ang sasalihan niya at mayroon na rin siyang partner para dito.
"I'm joining sa May, with Vince Maristela pero doubles," lahad niya.
Isa rin daw sa dagdag na goals niya ay ma-improve ang kanyang finish time.
"I just don't want to beat the Philippine record, but I want to beat everyone. Siguro, sali ako ulit ng open division na solo. I want to be better sa next (competition). Ang goal ko talaga is maging elite 15," paliwanag ni David.
Bukod sa pagpapatuloy ng kanyang training, magiging busy din si David sa pagbabalik niya sa taping ng kanyang GMA Prime action series na Never Say Die.
Panoorin siya dito bilang investigative journalist na si Andrew Dizon mula Monday to Friday, 8:55 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.