
Ang Pambansang Ginoo na si David Licauco ay mayroong bagong pasabog at pakilig na naman sa kanyang fans!
Sasabak na muli ang Pulang Araw actor sa isang bagong pelikula na inihahandog ng GMA Pictures na pinamagatang Samahan ng mga Makasalanan.
Ayon sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras nitong Huwebes, abala si David Licauco sa shooting ng kanyang bagong pelikula sa Ilocos Sur.
Masayang ikinuwento ni David na makakasama at makakaeksena niya sa pelikula ang kanyang iniidolong aktor at kapwa rin negosyante na si Joel Torre.
"Seeing him as an actor ay napakagaling. In fact, kanina mayroon na akong nakita na puwede kong matutunan. Puwede kong i-apply sa the way I act also," sabi ni David.
Makakasama niya rin sa pelikula ang Sparkle child star na si Euwenn Mikaell, Betong Sumaya, Chariz Solomon, Buboy Villar, at Sanya Lopez.
Sa Instagram ng GMA Pictures, nagkaroon ng pahapyaw ang kanilang bagong pelikula sa pinost na nakakaaliw na video nina David at Sanya.
Sa video, makikita na natulala si Sanya sa kanilang pagkikita ni David sa Vigan.
Samantalang, patuloy pa rin kinakikiligan ang mga post ni David Licauco at tila napaaga nga raw ang pag-celebrate ng Valentine's Day. Tila patok ang kanyang UP date post at iba pang mga pagpapa-cute bilang boyfriend sa kanyang social media.
Huling nasubaybayan si David Licauco sa kanyang GMA Prime series na Pulang Araw bilang Hiroshi at nakasama niya dito si Barbie Forteza na gumanap naman bilang si Adelina.
Samantalang, tingnan naman dito ang thirst trap photos ni David Licauco: