
Flattered si Pambansang Ginoo David Licauco nang makatanggap ng isang liham mula sa kanyang fan.
Ishinare niya ito sa kanyang Twitter account kagabi, April 30, kalakip ng isang video kung saan mainit siyang sinalubong ng kanyang fans sa isang motorcade.
Sabi sa sulat, ang actor/entrepreneur ang inspirasyon ng tagahanga kung bakit din ito nagtayo ng isang negosyo. Sa ngayon ay may apat na brands si David--tatlo dito ay food businesses at ang isa naman ay e-commerce shop na nagbebenta ng health and beauty products.
Hinangaan din ng letter sender ang pagiging "kind and approachable" ng Sparkle artist.
"Why I do what I do :) love u all," maikli pero malamang tweet ni David.
Why I do what I do :) love u all pic.twitter.com/h0KC9WLsa6
-- David Licauco (@davidlicauco) April 30, 2023
Bukod sa pag-appreciate ng Maria Clara at Ibarra star sa kanyang supporters, napansin din ng kanyang followers ang pagkakahalintulad nila ng caption ng kanyang onscreen partner na si Barbie Forteza sa isa nitong post.
Ang nasabing post ay patungkol sa pagtanggap ng aktres ng award bilang Best Dramatic Actress na iginawad ng Platinum Stallion National Awards 2023 noong Pebrero.
Nilakipan ito ni Barbie ng caption na "Why I do what I do," na kinakiligan ng BarDa fans.
"Same caption tho..omgeeess telege.🥰🥰😊 Yong totoo..😊," tweet ng Twitter user na si Mhace EG.
Same caption tho..omgeeess telege.🥰🥰😊 Yong totoo..😊 pic.twitter.com/hZFxuZf5P6
-- Mhace EG (@mhaceeg) April 30, 2023
Higit na nakilala ang tambalang David-Barbie sa popular na GMA primetime series na Maria Clara at Ibarra, na napapanood na ngayon sa Netflix.
Dito ay binansagan silang 'FiLay' ng kanilang fans.
BALIKAN ANG KANILANG MGA NAKAKAKILIG NA EKSENA SA 'MARIA CLARA AT IBARRA' SA GALLERY NA ITO: