GMA Logo David Licauco
Photo source: @davidlicauco
What's Hot

David Licauco, hindi nakikita ang competition sa mundo ng showbiz

By Maine Aquino
Published July 7, 2021 7:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Ano ang masasabi ni David Licauco ngayong marami ang mga leading man sa kanyang henerasyon?

Parami nang parami na ang mga leading man sa showbiz lalo na sa henerasyon ni David Licauco.

Ano nga ba ang pakiramdam ng Kapuso actor ngayong marami na siyang kasama sa industriya na nakakakuha ng magagandang proyekto sa showbiz?

David Licauco

Photo source: @davidlicauco

Kuwento ni David sa kanyang interview nang muli siyang pumirma sa GMA Artist Center, alam niya raw na kailangan niya ipakita pa lalo ang kanyang husay sa mga projects na kanyang ginagawa.

"Siyempre kailangan ko talagang mas gumaling, mas maging good looking, or mas magaling umarte, sa showbiz mas marami kang kailangan e."

Marami mang kailangang i-improve ang isang aktor na tulad ni David, hindi niya naman nakikita na isa itong competition sa kaniyang mga kasamahan sa industriya.

Paliwanag ni David, "Kailangan magaling kang umarte, kailangan magaling ka sa social skills. I am trying my best to work on those things pero hindi ko kasi nakikita 'yung competition."

Isang halimbawa nito ay ang pakikipag-usap niya raw sa kaniyang kaibigan na si Derrick Monasterio.

"Parang for example si Derrick a few weeks ago, nagkita kami. Kinakausap ko lang siya kung ano ang puwedeng gawin sa showbiz para ma-improve niya 'yung sarili niya. For me naman, I want everybody to win."

Saad ni David, gusto niya maging successful ang lahat sa industriya lalo na ang kanyang mga kaibigan.

"I want everybody to be successful lalo na sa lahat ng kaibigan ganon."

Inamin rin ng aktor na gusto niya lamang magtrabaho sa magagandang proyekto na maibibigay sa kanya.

"Hindi ko iniisip 'yung competition but at the same time, siyempre I want to get the good projects. I want to get if not best, mga magagandang projects talaga."

Check out David's various businesses and franchises in this gallery:

RELATED CONTENT:

WATCH: Why David Licauco is one of the next big leading men of GMA-7