GMA Logo David Licauco Hyrox
Image Source: davidlicauco (Instagram)
What's Hot

David Licauco, ibinahagi ang higlights ng kanyang Hyrox race

By Marah Ruiz
Published March 4, 2026 2:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

FULL THIRD SET - Mapua Lady Cardinals vs JRU Lady Bombers | NCAA Season 101
Roxie Smith’s 30th Panagbenga experience a ‘full-circle moment’ 
UST hoopers reign supreme at 12-school, winner-take-all 3x3 showdown

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco Hyrox


Ibinahagi ni David Licauco ang ilang highlights ng kanyang Hyrox race sa Taiwan.

Masaya si Pambansang Ginoo David Licauco sa naging performance niya sa unang pagsabak niya sa indoor fitness competition na Hyrox.

Kabilang ang aktor sa halos 2,000 participants ng kumpetisyon sa Taipei, Taiwan.

Si David ang rank 1 sa lahat ng Filipino participants matapos niya magtala ng oras na 01:07:48.

Rank 53 naman siya sa overall na kumpetisyon at rank 19 ng age group na 30 to 34.

Ibinahagi ni David ang ilang highlights ng karera niya sa Taiwan sa kanyang Instagram account.

"Hey guys! It's off to work here in Taiwan. This is my first ever race event so I'm quite excited and nervous. So yeah, let's see what happens," panimula sa sa video.

Mapapanood dito ang paghahanda niya para sa karera at pagsabak niya sa iba't ibang stages nito.

"Hey guys! Finally done. I've finished at an hour and seven minutes. I'm happy," lahad niya matapos ito.

A post shared by David Licauco (@davidlicauco)


Lubos na na-enjoy ni David ang Hyrox kaya balak niyang sumali muli sa Hong Kong leg nito na nakatakda ngayong parating na Mayo.

Susubukan naman daw niya ang doubles category ng kumpetisyon at pinangalanan si former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate at kapwa Kapuso actor na si Vince Maristela bilang partner niya para dito.

Image Source: davidlicauco (Instagram)

Bukod sa pagpapatuloy ng kanyang training para sa Hyrox, magiging busy din si David sa pagbabalik niya sa taping ng kanyang GMA Prime action series na Never Say Die.

Panoorin siya dito bilang investigative journalist na si Andrew Dizon mula Monday to Friday, 8:55 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.

Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.