
Inamin ng Kapuso actor na si David Licauco sa Fast Talk with Boy Abunda na napag-uusapan nila ng kanyang ka-loveteam na si Barbie Forteza ang boyfriend ng aktres na si Jak Roberto.
Ngayong Martes, August 29, muling bumisita sa nasabing programa ang tinaguriang Pambansang Ginoo na si David upang i-promote ang kaniyang upcoming Kapuso limited series na Maging Sino Ka Man kung saan makakatambal niyang muli ang aktres na si Barbie.
Pero bukod dito, tinanong din ni Boy Abunda ang si David kung kumusta sila ngayon ni Barbie at kung nagiging laman ba ng kanilang mga pag-uusap ang kasintahan ng aktres na si Jak.
Sagot dito ni David, “Sometimes. Siyempre nababasa namin 'yung tweets and all that.”
Matatandaan na naging instant hit ang tambalan nina David at Barbie sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra na agad na nagkaroon ng malawak na fandom.
Dahil dito, ang fans ni Jak, ginawan siya ng sariling university na tinawag na “Jak Roberto University” na nagtuturo umano ng “anti-selos” class.
Ayon kay David, pinag-uusapan nila ni Barbie kung paano nila hinaharap ni Jak ang reaksyon ng fans.
Aniya, “Pinaguusapan namin 'yung like kung paano nila na-receive 'yung mga nangyayari especially 'yung anti-silos something.
“Pinag-uusapan lang namin 'yung kung ano 'yung reaction ni Jak towards that.”
Ayon kay David, hindi naman nila sineseryoso ni Barbie at Jak ang mga negatibong komento dahil nagtatrabaho lamang sila upang magpasaya ng publiko.
“Pero siyempre tinatawanan na lang namin kasi at the end of the day entertainers kami. We're so happy to entertain people,” anang aktor.
Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.