What's on TV

David Licauco lauded for his sincere portrayal of Carding in 'Maging Sino Ka Man'

By Jansen Ramos
Published October 27, 2023 3:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Concern raised over maggots in lechon at Davao City restaurant
Coca-Cola Philippines’ iSTAR Program Powers Family-Owned Carinderia’s Rise in Cebu
P-pop boy group VXON announces first concert

Article Inside Page


Showbiz News

david licauco in maging sino ka man


Sa October 26 episode ng 'Maging Sino Ka Man,' makikitang nangingilid ang luha ni David Licauco habang binibigkas ang mga matatamis na salita sa kanyang kaeksenang si Barbie Forteza.

Damang-dama ang BarDa fever sa latest episode ng pinagbibidahang action-drama series nina Barbie Forteza at David Licauco na Maging Sino Ka Man.

Sa episode ng special limited series noong Huwebes, October 26, hindi magkamayaw sa kilig ang BarDa fans nang ideklara ng mga karakter nina Barbie at David bilang Monique at Carding ang kanilang pag-ibig sa isa't isa.

Kahit pinagseselosan ni Carding si Gilbert, ginagampanan ni Juancho Triviño, binigyan ng assurance ni Monique ang una sa kabila ng pagkakaiba nila ng estado sa buhay.

Nangako naman si David na mag-aaral na siya at magbabagong-buhay para kay Monique. Sa ngayon, nagtatrabaho si Carding bilang personal driver ni Monique.

Kahit hindi rin pabor ang ina ni Monique na si Belinda, ginagamapanan ni Jean Garcia, kay Carding, pinagtanggol ng dalaga ang kanyang minamahal.

Ayon sa netizens, nadala sila sa nakakakilig na eksena nina Barbie at David.

netizen praise barbie forteza and david licauco in maging sino ka man

Marami rin ang humanga sa ipinapakitang improvement ni David sa acting.

Sa nasabing eksena, makikitang nangingilid ang luha ng aktor habang binibigkas ang mga matatamis na salita sa kanyang kaeksenang si Barbie.

Obserbasyon ni @ilocanaak1125, "Ako lang ba ang naiiyak when Carding's telling Monique na magna-night school siya and the stuff. Ang galing ni David, habang tumatagal nakikipagsabayan na ang effectiveness ng acting niya."

Mula sa pagganap sa mga support roles noon hanggang sa maging leading man sa primetime, proud ang fans ni David sa tinatakbo ng career ng aktor.

Komento ni @OliviaGabriel-vn7fm, "I'm so happy for david habang patagal ng patagal gumagaling na talaga sya and sobrang ramdam mo talaga sya yung full of emotions nya when it comes to acting na talaga nakakaproud ka david galing mo."

Damang-dama raw ang emosyon at ang pagiging sincere ni David bilang Carding para naman sa viewer na si @liemeow.

"Grabe, David became Carding sa series na to. He really portrays the role effectively. So proud of him ksi he's growing as an actor. Galing baby David. Your eyes are your best tool when you act. Very sincere at genuine," sulat ng netizen.

netizens praise david licauco in maging sino ka man

Panoorin ang buong episode rito.

Subaybayan ang huling anim na episode ng Maging Sino Ka Man weeknights, 8:00 p.m. sa GMA, I Heart Movies, at Pinoy Hits.

Mapapanood din ang special limited series sa GTV sa ganap na 9:40 ng gabi.

Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.

Available naman ang full episodes at episodic highlights ng Maging Sino Ka Man sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.

NARITO ANG IBA PANG KILIG MOMENTS NG BARDA: