
Marami ang kinilig at nabitin sa inaabangang kissing scene nina Carding (David Licauco) at Monique (Barbie Forteza) sa GMA Telebabad series na Maging Sino Ka Man.
Sa episode ng special limited series noong Miyerkules, October 18, nagkaroon ng moment sina Carding at Monique sa mountain house ng dating professor ng huli na si Claudette (Alice Dixson).
Habang umiinom ng wine, dito nalaman ni Monique na si Carding ang lalaking nag-alaga at tumulong sa kanyang umuwi ng bahay nang siya ay malasing sa isang bar.
Nagalit si Monique kay Carding dahil inakala niyang pinagsamantalahan siya nito pero nilinaw ng binata na may prinsipyo siya kaya hindi niya ginawan ng masama ang dalaga.
Dahil tipsy na si Monique, nagkainitan ang dalawa pero nauwi naman ito sa isang mainit na gabi nang maglapit ang kanilang mga labi.
Gayunpaman, naudlot ang kanilang first kiss nang lumabas si Hika (Kenji San Pablo) para hanapin ang kanyang inhaler.
Panoorin ang nakakakilig at nakakaaliw na eksena sa video sa itaas.
Patuloy na subaybayan ang Maging Sino Ka Man weeknights, 8:00 p.m. sa GMA, I Heart Movies, at Pinoy Hits.
Mapapanood din ang special limited series sa GTV sa ganap na 9:40 ng gabi.
Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.
Available naman ang full episodes at episodic highlights ng Maging Sino Ka Man sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA-owned and operated online platforms.
NARITO ANG IBA PANG KILIG MOMENTS NG BARDA.