
Sa nalalapit na pagtatapos ng fantasy-portal series na Maria Clara at Ibarra, inamin ni David Licauco na isa sa mga mami-miss niya sa paggawa ng serye ay ang character niyang si Fidel.
“Si Fidel, nakakatuwa yung personality niya e na parang simula, mayabang, maangas, until biglang dahil sa isang babae, biglang mag-iiba yung perspective niya sa buhay,” sabi ni David sa interview ni Lhar Santiago para sa “Chika Minute.”
At kung papipiliin daw siyang gawin muli ang role bilang si Fidel, sabi niya, “gagawin ko 'yun.”
Sa naunang interview, sinabi ni David na “biggest blessing” niya ang pagganap bilang Fidel. Ayon pa sa kanya sa isa pang interview, nagulat siya sa success ng character kung saan sa umpisa ay supporting lang at naging main character kinalaunan.
“At the start, I was just a supporting character, e. Tapos, eventually, naging main character siya, mas doon ako nagulat. Kumbaga, sobrang tinanggap ng mga tao and the hype is like very on top talaga,” dagdag pa nito.
Sinabi rin ni David na binago ng Maria Clara at Ibarra ang buhay niya dahil sa mga nakilalang mga tao sa harap at likod ng camera.
“Lahat mabait, mga production staff, mga artista, directors, lahat mabait e,” sabi pa nito.
Dagdag pa niya, “Nakaka-emotional din na mawawala na siya but then, I feel like nag-leave naman kami ng mark and legacy sa mga tao.”
Ano na nga ba ang gagawin ni David sa pagtatapos ng serye? Ayon sa Pambansang Ginoo, “I would really chill.”
“'Di ako mag-a-alarm, gusto ko mag-relax, mag-basketball, kausapin 'yung mga kaibigan ko kasi marami rin ako hindi narereplayan sa text, sa Instagram, ganyan. So i-check ko talaga lahat, kakamustahin ko sila pati yung parents ko. Tsaka lalabas ako with my friends and my family,” aniya.
At ang isa sa itinuturing ni David na matalik niyang kaibigan na nakasama niya kamakailan sa isang “worcation” ay si Derrick Monasterio.
Paglalarawan niya rito, “Alam mo 'yung minsan may mami-meet ka lang din sa buhay na kaibigan na lahat kaya mo sabihin e, and that's rare to find.”
TINGNAN ANG BOY-NEXT-DOOR LOOKS NI DAVID LICAUCO RITO: