GMA Logo David Licauco and Jennylyn Mercado
Celebrity Life

David Licauco, may hiling kay Jennylyn Mercado

Published December 17, 2024 10:11 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Taiwan independence intolerable, Xi Jinping tells opposition leader Cheng
Tricycle driver, passenger hurt in Koronadal shooting
There's More to Life: 18 Years of Living, Loving, and Celebrating on GMA Life TV

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco and Jennylyn Mercado


May hiling si David Licauco kay Jennylyn Mercado matapos makasama si Dennis Trillo sa Japan.

Naging masaya ang pagbisita ng Pulang Araw na sina Kapuso Drama King Dennis Trillo at Pambansang Ginoo David Licauco sa Japan kamakailan.

Pumunta sila doon para sa Philippine Tokyo Festival 2024 kung saan nag-perform sila para sa Pinoy na nagtatrabaho sa Japan.


Nakapag-bonding din sina Dennis at David at magkasamang gumawa ng ilang nakakatuwang TikTok videos.

Kabilang na diyan ang paglalaro at paghahabulan nilang dalawa sa isang playground.

May pabiro pang shoutout si David para sa misis ni Dennis na si Ultimate Star Jennylyn Mercado.

"Jennylyn, pahiram muna ng asawa mo kahit sandali," sulat ni David sa caption ng kanyang TikTok post.

Bukod dito, ginamit pa niya ang kanta ni Jennylyn na "Kahit Sandali" bilang background music.

@davidlicauco Jennylyn, pahiram muna ng asawa mo kahit sandali 🙏🏻😅 @Dennis ♬ original sound - ♫︎🇯 🇦 🇩 🇪 ♫︎


Samantala, tinawag naman ni Dennis si David bilang kanyang "TikTok protege" at nagbigay ng behind-the-scenes look sa pagpaplano at pag-eensayo nila para sa kanilang makukulit na videos.

Bahagi sina Dennis at David ng GMA Prime wartime family drama na Pulang Araw.

Sa huling dalawang linggo nito, masusubukan ang tatag ng pag-ibig ng karakter ni David na si Hiroshi para kay Adelina (Barbie Forteza) matapos malaman ng dalaga nag pinakatatagong lihim nito.

Hindi naman titigil ang karakter ni Dennis na si Col. Yuta Saitoh sa paghananap kay Teresita (Sanya Lopez) na nagdadalangtao na pala.

Patuloy na panoorin sina Dennis Trillo at David Licauco ang lalong lumalalim ng kuwento ng Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

Maaari rin itong panoorin online sa Kapuso Stream.

Panoorin din ang same-day replay sa GTV, 9:40 p.m.