GMA Logo David Licauco
source: davidlicauco/IG
What's Hot

David Licauco, may upcoming summer movie kasama sina Derrick Monasterio, Teejay Marquez, at Michelle Dee

By Kristian Eric Javier
Published April 18, 2024 5:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EDSA rehab begins Dec. 24
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Abangan ang bagong movie project ni David Licauco na lalong magpapainit ng inyong tag-init.

Aminado ang Pulang Araw star na si David Licauco na naging malaking tulong ang katatapos lang na “Sparkle Goes to Canada” tour para maging mas confident bilang isang aktor.

Ayon pa sa aktor, malaking tulong din ang mga kasamahan niya sa tour na sina Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, Ruru Madrid, Bianca Umali, at Barbie Forteza.

“I'd like to think na it will get better. I think na sa buhay naman e you just have to take the first step and you learn along the way kung paano ma-figure out how to become better in one thing,” sabi ni David kay Aubrey Carampel para sa “Chika Minute” ng 24 Oras.

Ibinahagi rin ni David na mas nagugustuhan na niya ngayon ang pagkanta at pagsayaw sa harap ng maraming tao. Ngunit ayon sa Pambansang Ginoo, bitin ang kaniyang oras sa Canada dahil kinailangan niyang mauna umuwi para mag-taping para sa Pulang Araw at asikasuhin ang kaniyang negosyo.

Samantala, kailan lang ay inanunsyo na ipapalabas na ang summer movie na kinabibilangan ni David na G! LU (Go! La Union) sa darating na April 24. Makakasama niya dito si Black Rider star Ruru Madrid, ang Makiling stars na sina Derrick Monasterio at Teejay Marquez, at Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.

Taong 2019 pa nai-shoot ang pelikula kaya naman excited na si David ang kaniyang mga co-stars sa nalalapit na premiere ng kanilang pelikula. Tungkol sa friendship, family, love, at gender issues ang magiging tema nito.

KILALANIN ANG BUONG CAST NG UPCOMING SUMMER MOVIE NINA DAVID SA GALLERY NA ITO:

Dahil summer movie, hindi maiwasan ng mga bida nito na magkaroon ng healthy competition sa pagpapaganda ng katawan.

Kuwento ni Derrick, “Naalala ko gumigising kami ni David araw- araw, nagja-jogging kami sa buong LU.”

Ayon naman kay Teejay, lahat sila noong mga panahon na iyon ay gustong ipakita ang “best version ng sarili nila.”

“Makikita mo naman na nag-e-enjoy at natutuwa na nai-inspire kami sa isa't isa,” ayon pa sa aktor.