
Excited na ang mga Sparkle stars na sina Barbie Forteza, David Licauco, Julie Anne San Jose, at Rayver Cruz sa kanilang upcoming show na Sparkle Goes to Canada ngayong April.
Kamakailan lang, lumipad na ang dalawang Kapuso love teams pa-Canada para sa paghahanda sa kanilang dalawang events sa naturang bansa.
Sa April 5, mangyayari ang kanilang unang show sa Calgary, at April 7 naman ang kanilang second day sa Toronto.
Excited na ang Kapuso real-life couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz na ipakita ang inihanda nilang production numbers para sa kanilang Pinoy fans. Looking forward din sila na makapag-sightseeing at ma-experience ang malamig na klima sa bansa.
Sa kanilang panayam sa 24 Oras, sabi ng Asia's Limitless star, "May mga naisip na kaming mga puntahan, tapos yung mga sceneries doon, mga spots doon sa-actually both sa Toronto at sa Calgary."
Dagdag din ni Rayver,"Ineexpect din namin na malamig. Malamig na malamig sa Canada ngayon."
Para naman sa Sparkle love team na sina Barbie Forteza at David Licauco, hindi lang dahil sa Sparkle Goes to Canada sila excited, pati na rin sa kanilang upcoming historical at action series na Pulang Araw. Sa katunayan, diretso taping silang pareho pagkatapos ng kanilang tour sa Canada.
Sabi ni David tungkol sa palabas, "Paganda nang paganda yung kuwento. I think, every scene, every day na nagte-taping kami, paiba-iba yung mga nangyayari and bumibigat. Paminsan may happy scenes, yung mga kilig scenes."
Sa panayam rin ibinahagi ni Barbie ang kaniyang experience sa cross-over vlog nila ng It's Showtime host na si Kim Chu.
Masaya ang aktres sa kanilang vlogs, lalo na't puno ng energy at katatawanan ito.
"Ang saya! Ang saya ng buong vlog. Sobrang fun walang pressure. Hindi ko alam kung nagkaka-intindihan ba kami kasi parang apiran lang kami ng apiran. Hampasan lang kami ng hampasan."
Maliban sa dalawang Kapuso love teams, bahagi rin ng Sparkle Goes to Canada sina Black Rider star Ruru Madrid at Sang'gre actress Bianca Umali, na susunod ding lilipad pa-Canada.
Tiyak dapat abangan ng mga Pinoy abroad ang upcoming show dahil ito'y idinere ng kilalang Sparkle creative consultant at direktor na si Johnny "Mr. M" Manahan.
TINGNAN ANG MGA KAGANAPAN SA MEDIA CONFERENCE NG SPARKLE GOES TO CANADA RITO: