GMA Logo David Licauco
SOURCE: davidlicauco (IG)
Celebrity Life

David Licauco, nag-sorry sa mga nasungitan dahil sa sleep apnea

By Hazel Jane Cruz
Published May 10, 2024 11:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend: (Part 4) January 17, 2026
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Ramdam na ni David ang pagbuti ng kanyang kondisyon matapos ang RFA procedure para sa kanyang sleep apnea.

Ibinahagi ni Pambansang Ginoo at Pulang Araw star David Licauco ang kanyang kalagayan matapos ang successful Radiofrequency Ablation (RFA) para sa kanyang sleep apnea na isinagawa nito lamang Lunes, May 6.

Aniya ay nag-improve na ang kanyang pakiramdam at nakikita na nito ang pagbabago sa kanyang mood na malimit ay negatibong naapektuhan ng kanyang sleep apnea.

“Usually sa umaga [ay] talagang wala ako sa mood and hirap akong huminga pagkagising ko, so it takes a while for me to warm up. But today, parang [sabi ko], 'wow, ito pala 'yung pakiramdam ng maayos na tulog,” saad ni David.

Ginamit na rin niya ang pagkakataon upang mag-sorry sa mga noo'y nakatrabaho at nakakita ng mga bad moods nito dala ng kanyang kondisyon, “Feeling ko, hindi lang din naman ['yung] trabaho ang na-affect, eh; also ['yung] pakikitungo sa mga tao since bad mood nga ako sa umaga [at] even sa afternoon.”

Dagdag pa nito, “Pasensiya na kung minsan mukha akong wala sa mood, but I'm getting there, I'm getting better, and I'm improving.”

Ibinahagi rin nito ang kanyang pinagdaanang procedure na tinatawag na Radiofrequency Ablation na isang “pain control technique” at nonsurgical procedure gamit ang radiofrequency waves.

“[...] I think [RFA] was really helpful,” dagdag nito, “what they did was cinauterize nila 'yung other part of my nose kasi my nose has a blockage so 'yung airway ko, hindi siya nakakadaan kapag natutulog ako; nagko-close siya.”

Sunsundan din ang kanyang RFA ng iba pang procedure para sa kanyang lalamunan para na rin sa tuloy-tuloy na paggaling ni David.

Samantala, tuloy pa rin ang aktor sa pagtrabaho upang mabigyan ang fans at mga Kapuso ng bagong pakakaabangan ngayong 2024 -- ang Pulang Araw kasama ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards, Sanya Lopez, at ang kanyang onscreen partner na si Barbie Forteza.