GMA Logo David Licauco
Photo by: Sparkle GMA Artist Center
What's Hot

David Licauco, pumirma ng recording contract sa Universal Records

Published March 22, 2023 3:47 PM PHT
Updated March 22, 2023 3:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Opisyal nang recording artist ng Universal Records si Pambansang Ginoo David Licauco.

Hindi pa rin makapaniwala si Pambansang Ginoo David Licauco sa lahat ng blessings na dumarating ngayon sa kanyang career.

Matapos ang success ng Maria Clara at Ibarra, bagong achievement ang nakuha ni David matapos opisyal na pumirma ng recording contract sa Universal Records.

Hindi na bago kay David ang recording dahil nakapag-record na rin ito ng dalawang kanta. Una, ang "It's the Best Thing,' isa sa original soundtracks ng rom-com series na Heartful Cafe, at ang "Kailangan Kita," na theme song ng FiLay (Fidel at Klay) loveteam sa hit series na Maria Clara at Ibarra.

"This is my first-ever recording contract and I'm still in awe. I can't believe ever na magkakaroon ako ng ganitong contract. I'll just do my best," sabi ni David sa interview ng GMANetwork.com.

Ayon kay David, ang musikang maririnig sa kanya ay ballad at pop. Sa ngayon, plano niyang magkaroon ng vocal lessons para aniya mas gumanda at mas maipakita pa niya ang kakayahan bilang isang mang-aawit.

Samantala, panibagong kilig ang hatid nina David at Barbie Forteza sa music video ng Ben&Ben para sa cover nila ng sikat na awitin na "The Way You Look At Me." Ani David sa music video, "kikiligin sila at iiyak."

Abangang ang music video ng "The Way You Look At Me" ngayong March 25, 7:00 p.m. sa Universal Records Philippines YouTube channel.

MAS KILALANIN SI DAVID LICAUCO SA GALLERY NA ITO: