
Wagi si Pambansang Ginoo David Licauco sa unang beses na pagsali niya sa indoor training competition na Hyrox.
Sumalang siya sa competition nitong March 1 sa Taipei, Taiwan kung saan nagtala siya ng oras na 01:07:48.
Sa halos 2,000 participants, rank 53 siya sa overall na kumpetisyon at rank 19 ng age group na 30 to 34.
Bukod doon, siya rin ang rank 1 sa lahat ng Filipino participants dito.
Isa't kalahating buwan daw ang naging training ni David para sa Hyrox.
"Leading up to this event, nakakatuwa na mayroon akong ni-look forward to, para may reason na bakit ka nagte-training. Kasi I've been training all my life pero wala namang end goal. 'Yung competitiveness ko, nabubuhay dahil sa sport na 'to," pahayag niya.
Ang Hyrox ay kombinasyon ng running at ilang functional exercises tulad ng rowing, burpees, pagbubuhat ng kettlebells, at ilan pa.
"Never say die talaga 'yung spirit," paliwanag niya tungkol sa bagong sport na sinubukan.
"Kailangan mo talagang alamin and siguro 'yun talaga, 'yung lack of knowledge sa sport, doon ako nahirapan," dagdag pa ni David.
Sa pagbabalik niya sa Pilipinas, muli siyang sasabak SA training para makasali sa Hong Kong leg ng Hyrox.
"I'm joining sa May, with Vince Maristela pero doubles. I just don't want to beat the Philippine record but I want to beat everyone. Siguro sali ako ulit ng open division na solo. I want to be better sa next. Ang goal ko talaga is maging elite 15," lahad niya.
Bukod sa pagpapatuloy ng kanyang training, magiging busy din si David sa pagbabalik niya sa taping ng kanyang GMA Prime action series na Never Say Die.
Panoorin siya dito bilang investigative journalist na si Andrew Dizon mula Monday to Friday, 8:55 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.