
Masayang ibinahagi ni David Licauco ang Christmas plans at wishes nito sa nalalapit na Kapaskuhan.
Kahit na abala sa kabi-kabilang guesting at taping para sa hit primetime series na Maria Clara at Ibarra, sinisiguro pa rin ng aktor na makapaglaan ng oras para sa kanyang pamilya.
Photo by: davidlicauco (IG)
Sa interview ng GMANetwork.com, sinabi ni David ang plano nitong relaxing trip para sa kanyang pamilya ngayong Pasko.
"Because of taping 'yung family trip ko abroad canceled so I think we're going to Tagaytay instead this December 24 to 26," sabi ng aktor.
Ibinahagi rin ni David ang "pinakagusto niyang regalong matanggap" ngayong Pasko. Aniya, "Syempre, love. I just want my career to be as stable as possible. My businesses to be as stable as possible.
"'Yung me as a person, as David Licauco, I wanna be stable na rin kasi I'm getting older. And hopefully my 2023 will be better than my 2022 so I'll be working harder."
Patuloy na subaybayan si David bilang Fidel sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
MAS KILALANIN SI DAVID LICAUCO SA GALLERY NA ITO: