GMA Logo David Licauco and Barbie Forteza Team FiLay
What's on TV

David Licauco, may pakilig na banat kay Barbie Forteza: 'Maaari bang ako na lang?'

By Aimee Anoc
Published November 13, 2022 1:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco and Barbie Forteza Team FiLay


Patuloy na kinakikiligan ng netizens ang FiLay loveteam nina David Licauco at Barbie Forteza sa 'Maria Clara at Ibarra.'

Maraming netizens ang kinikilig ngayon sa FiLay loveteam nina Fidel at Klay, na ginagampanan nina David Licauco at Barbie Forteza sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Sa Twitter, ibinahagi ni David ang behind-the-scene photos nila ni Barbie sa isang eksena sa ika-30 episode ng Maria Clara at Ibarra noong Biyernes, November 11.

Ang eksenang ito ay mula sa naging panghaharana ni Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo) kay Maria Clara (Julie Anne San Jose), na naisip na paraan nina Fidel at Klay para muling magkaayos ang magkasintahan.

Habang patagong pinagmamasdan ang panghaharana ni Ibarra kay Maria Clara, hindi naiwasang mapaluha ni Klay, na siya namang nakita ni Fidel habang naggigitara.

Maraming netizens ang naka-relate at kinilig sa caption ni David sa eksenang ito, aniya, "Maari bang ako nalang?"

Patuloy na subaybayan sina Barbie at David sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

KILALANIN SI DAVID LICAUCO SA GALLERY NA ITO: