GMA Logo david licauco
Image Source: davidlicauco (Instagram)
What's Hot

David Licauco, sa titulong 'Pambansang Ginoo': 'It's a pressure-filled name'

By Nherz Almo
Published February 26, 2023 5:36 PM PHT
Updated February 27, 2023 11:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Express: December 19, 2025 [HD]
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

david licauco


David Licauco: "I'll do my best na mag-serve ng inspiration..."

Itinuturing ni David Licauco na isang matinding pressure ang titulong ibinigay sa kanya ng fans, ang 'Pambansang Ginoo.'

Dahil sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Fidel sa katatapos lamang na hit historical portal series na Maria Clara at Ibarra, dumami ang mga taong humanga sa binatang aktor. At dahil na rin sa hindi inaasahang pagkabuo ng love team nil ani Barbie Forteza sa serye, binansagan si David ng fans bilang 'Pambansang Ginoo.'

Sa pananaw ni David, nakaka-pressure ang titulong ito pero gagawin niya ang kanyang makakaya para maging isang mabuting ginoo.

“It's a pressure. Pero yun nga, going back, this is my job now so I have to… I mean, people see me as an inspiration, e, so I have to live up to that. I'll do my best na mag-serve ng inspiration sa mga youth and sa lahat ng mga taong sumusuporta sa akin at tinitingala ako,” sabi ni David sa ginanap na media conference para sa iniendorso niyang Blue Water Day Spa kamakailan.

Ayon pa kay David, ayaw niyang masyadong isipin ang titulong 'Pambansang Ginoo' at nais lang ipagpatuloy ang pamumuhay nang normal.

“It's a pressure-filled name which I try not to think about. But siguro binigay nila yun sa akin for a reason, so I just have to do my best at all times and really live up to that heavy name,” aniya.

Dagdag pa niya, “You know, for me kasi showbiz is just like any other job. Parang tini-treat ko siya bilang trabaho. Siguro, marami rin akong gustong gawin, gusto ko rin lumabas and have fun with friends. May mga nakikita akong comments na. 'Dapat hindi ka lumalabas.' Parang wala namang masama doon, as long as wala kong ginagawang anything overboard.

“But siyempre, I'm a public figure now, maramin nang tao ang tumitingala, kumbaga, ang tingin nila sa akin ay inspirasyon ako. So, kailangan mas maging careful now. Siyempre, ang pangit naman na magpakita ng masasamang bagay sa mga kabataan.”

Samantala, kasunod ng pagtatapos ng Maria Clara at Ibarra, nagpaalam na rin si David Licauco sa ginampanan niyang karakter na si Fidel.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni David, “It has been an absolute honor playing the role of Fidel.”

A post shared by David Licauco (@davidlicauco)

TINGNAN ANG ILANG PANG MGA LARAWANG NG 'PAMBANSANG GINOO' RITO: