
Lubos ang pasasalamat ni Kapuso actor and Sparkle star David Licauco sa matagumpay na pagtatapos ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Grateful daw siya sa suportang natanggap mula sa manonood ng serye.
"Yesterday marks the end of MCI, with that, I'd like to say thank you to everyone who supported the show for the past 5 months," sulat ni David sa Instagram.
Lagi rin daw niyang tatanawin ang utang na loob sa serye at sa mga taong naniwala sa kanya dahil sa iba't ibang mga oportunidad na dinala nito sa kanya.
"To my MCI fam, I appreciate all of you. To GMA, thank you so much for giving me this once in a lifetime opportunity. It has been an absolute honor playing the role of Fidel," aniya.
Marami rin daw siyang natutunan mula sa lahat ng mga nakatrabaho niya sa serye.
"Lastly, to all the hardworking team behind the cam, I've learned a lot from each and everyone of you," pagpapatuloy ni David.
Pero isang bahagi ng kanyng mensahe ang nagpa-overthink sa mga fans ng Maria Clara at Ibarra.
"I am forever grateful! Fidel signing off… for now," matalinghagang pagtatapos ng kanyang mensahe.
Nilagyan pa ni David ng pilyong winky face emoji ang dulo ng kanyang post. Ibig sabihin ba nito ay magbabalik pa si Fidel?
Sakto namang humihiling ng sequel ang mga manonood ng Maria Clara at Ibarra dahil maraming nabitin sa mga rebelasyon sa finale episode nito.
Samantala, kahit nagtapos na ang serye, maari pa ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
Magsisimula na rin ang megaseryeng Mga Lihim ni Urduja kaya huwag palampasin ang unang episode nito sa February 27, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
SAMANTALA, TINGNAN ANG KILIG DATE NI DAVID KASAMA ANG ISANG FAN DITO: