
“Hard work really pays off.”
Ito ang pahayag ni David Licauco nang tanungin tungkol sa mga pagkilalang natatanggap niya ngayon. Nakaharap ng binatang aktor ang media nang ipakilala siya bilang bagong endorser ng Blue Water Day Spa nitong Biyernes, February 17.
“Honestly, it's a bit overwhelming for me. I would say na I'm an introverted person. But then, you know, I'm already here, so I'm just taking it day by day,” sagot ni David, na isa sa mga sikat na aktor ngayon dahil sa kanyang pagganap bilang Fidel sa Maria Clara at Ibarra.
Sa historical portal fantasy series na ito, mainit na tinanggap ng mga manonood ang tambalan nina David at Barbie Forteza.
Bagamat itinuturing niyang magandang pangyayari ang tinatamasa niyang success ngayon, aminado si David na hindi niya ito inasahan nang tanggapin niya ang Maria Clara at Ibarra.
Aniya, “Nagulat ako na ganun ang success ng Maria Clara at Ibarra because at the start, I was just a supporting character, e. 'Tapos, eventually, naging main character siya, mas doon ako nagulat. Kumbaga, sobrang tinanggap ng mga tao and the hype is like very on top talaga.”
Gayunman, tunay raw na pinaghandaan ito nang husto ni David.
“I went on workshops. Personal workshops talaga, I paid for that myself. All hard work lang,” aniya.
Kaya naman labis ang tuwa niya at kinikilala siya ngayon dahil sa kanyang kakayahang umarte.
Sabi ni David, “Siyempre, matagal ko siyang pinaghirapan kaya nakakatuwa. Ngayon na napapansin na yung acting abilities ko, parang gusto ko pang galingan sa mga susunod na projects.”
Sa ngayon, iniiwasan daw ni David na isipin ang kanyang kasikatan at kung mapapanatili niya ito sa mga susunod na taon.
Aniya, “I try not to think about it. But sometimes, I ask my manager kung ano yung next plan, kung ano ang puwedeng gawin. Siyempre, it's hard to sustain a career like this. I don't wanna it to be a one-hit-wonder kind of success. So for me, as long as I study acting, I still have to improve on that. Of course, I have to take care of my body by working out. I just have to wait for the next opportunity.”
Pagkatapos ng Maria Clara at Ibarra, ayon kay David, magkakaroon siya ng ilang pang mga proyekto kasama si Barbie.
SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA LARAWAN NINA DAVID AT BARBIE BILANG SINA FIDEL AT KLAY: