
Tampok sa bagong episode ng Wish Ko Lang ang kuwento ng batang ama na si Lloyd na tinamaan ng kidlat habang nagtatrabaho sa isang construction site.
Bibigyang-buhay ni Sparkle teen actor David Remo ang kuwento ni Lloyd sa "Wish Ko Lang: Menor De Edad." Makakasama rin niya sa episode na ito sina Rita Avila (Aileen), Rhed Bustamante (Angel), Glenda Garcia (Marta), Marlon Mance (Hector), at Dani Ozaraga (Carla).
Base sa teaser ng Wish Ko Lang, kahit na menor de edad pa lamang, mabilis ang naging takbo ng relasyon nina Lloyd at Angel hanggang sa ito ay nagbunga ng supling. Tinutulan man ng kanilang mga magulang noong una ay wala na ring nagawa ang mga ito lalo pa't desidido si Lloyd na panindigan ang kanyang mag-ina. Nagsumikap siyang magtrabaho sa isang construction site, pero isang araw, tinamaan siya ng kidlat.
Huwag palampasin ang "Wish Ko Lang: Menor De Edad" ngayong Sabado, July 22, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
MAS KILALANIN SI DAVID REMO SA GALLERY NA ITO: