What's on TV

Dear Uge: Mikee Quintos, "selfie queen" sa Halloween special

By Cherry Sun
Published October 30, 2018 11:51 AM PHT
Updated October 30, 2018 12:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

More Pinoys repatriated from Gulf as DMW eyes alternate OFW job sites
4th generation of family in Cebu continues ‘Pabasa’ tradition
8 in 10 Filipinos choose domestic travel for Holy Week 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Gaganap si Mikee Quintos bilang ang selfie queen na si Jesy sa Halloween special ng Dear Uge ngayong Linggo, November 4.

Gaganap si Mikee Quintos bilang ang selfie queen na si Jesy sa Halloween special ng Dear Uge ngayong Linggo, November 4.

Isang mayaman, maganda at ultra vain na college student si Jesy. Dahil sa maya-maya niyang pagkuha ng litrato ng kanyang sarili gamit ang tatlo niyang mobile phones, tinagurian siyang “The Ultimate Selfie Queen.” At master man siya pagdating sa pagse-selfie, kulang siya sa focus sa kanyang priorities.

Magbabago ang buhay ni Jesy nang mag-photobomb sa kanyang selfies si Edison (Gil Cuerva). May matutuklasan siya tungkol dito at mag-iiba ang kanyang pananaw.

Ano nga ba ang tunay na pagkatao ni Edison at ang mensaheng dala nito?

Sabay-sabay tayong kiligin at kilabutan sa kuwentuwaan ng nag-iisa at nangungunang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge ngayong Linggo, November 4.