
Isa na ring ganap na singer si Kapuso beauty queen, actress, model, and host Michelle Dee.
Malapit na niyang ilabas ang kanyang debut single na "Reyna."
Espesyal at historic ang awit na ito ni Michelle dahil ito ang first ever collaboration sa pagitan ng Star Music ng ABS-CBN at GMA Music ng GMA Network.
Excited naman si Michelle na ibahagi ang panibagong side niya sa proyektong ito.
"This is it, mga Kapuso! I'm deeply honored to share my music sa kaunaunahang collaboration ng Star Music and GMA Music. Maraming maraming salamat po sa aking Sparkle family for this opportunity," lahad niya tungkol dito.
Sa teaser na inilabas para sa "Reyna," makikita si Michelle sa kanyang bold blonde bob na slicked back, naka-form fitting black dress, at may kasama pang puting ahas.
"Mga Kapuso, 'Reyna' is coming your way very very soon. Sa March 7 na po 'yan," dagdag ni Michelle.
Samantala, napapanood si Michelle sa action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.
Gumaganap siya dito bilang Apong Ayo, ang diyosa ng mga Atubaw--lahi ng mga nilalang na malapit sa mga buwaya at may kakayanang pagalingin ang sarili nilang mga sugat.
Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.