GMA Logo Althea Ablan and Lovely Jane Pio in Wish Ko Lang
Photo by: Wish Ko Lang
What's Hot

Debutanteng namatayan ng ina sa mismong kaarawan, sinorpresa ni Althea Ablan at ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published February 27, 2023 6:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation constructs bridge in Rodriguez, Rizal
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News

Althea Ablan and Lovely Jane Pio in Wish Ko Lang


Isang sorpresa ang inihanda ng 'Wish Ko Lang' para kay Lovely Jane Pio, ang dalagang namatayan ng ina sa mismo nitong 18th birthday.

Hindi napigilan ni Lovely Jane Pio na maging emosyonal sa inihandang sorpresa sa kanya ng Wish Ko Lang.

Noong Sabado, February 25, nasaksihan sa "Wish Ko Lang: Debutante" ang nakaaantig na kuwento ni Lovely (Althea Ablan), na namatayan ng ina sa kanya mismong 18th birthday.
Inside link:

Sa kabila ng hirap ng buhay, pinagsikapan ng ina ni Lovely na si Rosinie (Gina Alajar) at ng tatay nito na mabigyan siya ng masayang selebrasyon para sa kanyang ika-18 taong kaarawan.

"Hindi ko inaasahan na sa araw pa ng birthday ko, mawawala si Mama. Masakit po kasi wala na akong matatawag na Mama," pagbabahagi ni Lovely sa Wish Ko Lang.

Kaya naman agad na tinupad ng programa ang hiling ng yumaong ina ni Lovely at ng kapatid nitong si Rose na magkaroon siya ng isang masaya at hindi malilimutang debut.

Suot ang purple gown na iniregalo sa kanya ng Filipino designer na si Rian Fernandez, naranasan ni Lovely na maisayaw ng ama sa kanyang debut. Para sa mga hindi nakakaalam, si Rian Fernandez ang same Pinoy designer na gumawa ng gown ni R'Bonney Gabriel no'ng masungkit niya ang korona sa Miss Universe 2022.

Sa selebrasyon, nakatanggap si Lovely ng pagbati mula sa malalapit niyang kaibigan at kay Sparkle actress Althea Ablan, na niregaluhan din siya ng gown.

Bukod sa birthday surprise, may regalo ring educational assistance at Wish Ko Lang savings ang programa para kay Lovely at sa pamilya nito.

Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

MAS KILALANIN SI ALTHEA ABLAN SA GALLERY NA ITO: