
Bukod sa pakikisalamuha sa kapwa niyang Kapuso stars, excited na rin si Denise Barbacena na makita ng netizens ang kanyang damit na isusuot sa GMA Thanksgiving Gala.
Sa panayam ni Denise sa GMANetwork.com, aminado siya na pati siya ay hindi na makapagintay na makita kung ano ang kanyang magiging itsura kapag suot na niya ang gown.
"Ilang weeks ko na ring pinaghahandaan kung ano 'yung magiging look ko with my hair and make up, and of course, the dress that I'll be wearing so abangan niyo 'yan," saad niya.
"I'm very much excited na rin kung ano ang kalalabasan kapag nagawa na namin ang make up, hair, and kapag suot ko na 'yung gown."
Malaki ang pinagpapasalamat ni Denise dahil sa kabila ng pandemya ay naging maganda ang takbo ng kanyang karera sa GMA.
"I'm very, very grateful sa lahat ng achievements ko over the past three years blang isang Kapuso," paliwanag niya.
"Isa na riyan ang ni-launch kong single under GMA Playlist, ang 'Last Thing I'd Do,' and, of course, ang pagiging parte ko ng Bubble Gang, at ang bagong mga commitments ko with the brands of posting, marami akong na-explore at naka-work na brands over the past three years."
Abangan ang red carpet ng GMA Thanksgiving Gala sa Facebook page at Youtube channel ng GMA Network, at sa Tiktok account ng Sparkle GMA Artist Center sa Sabado, July 30.
SAMANTALA, MAS KILALANIN PA SI DENISE SA MGA LARAWANG ITO: