
Idinaan na lamang sa sulat sa papel ang pagbati ng aktor na si Dennis Padilla sa kaniyang mga anak ngayong Pasko.
Sa Instagram, makikita ang larawan ni Dennis hawak-hawak ang papel kung saan may nakasulat na, “Dearest Dani, Julia, Claui, Leon, Merry Christmas, mga anak. God bless you more! [Love] Papa - 2023”
“Merry Christmas mga anak... Love you... God bless you more,” caption pa ni Dennis sa kaniyang post.
Matatandaan na matagal nang hindi maayos ang relasyon ni Dennis sa kaniyang mga anak kay Marjorie Barreto na sina Julia, Claudia, at Leon Barretto. Si Dani ay anak ni Marjorie sa kaniyang ex-partner na si Kier Legaspi.
Naghiwalay sina Marjorie at Dennis noong 2007.
Noong June 2022, kasabay ng selebrasyon ng Father's Day, naglabas ng sama ng loob si Dennis sa social media dahil sa umano'y kawalan niya ng komunikasyon sa kaniyang mga anak.
Sinagot naman noon ni Leon si Dennis sa pamamagitan ng isang open letter.
Sulat ni Leon, “Sorry if I wasn't able to greet you with a 'Happy Father's Day.'”
“It's always been an awkward day for us cause we never seem to know where we stand with you every year,” dagdag niya.
“Papa, why does it seem like you enjoy hurting your kids in public? Why do you keep posting cryptic posts about us and allow people to bash us on your own [Instagram] page? Did you think it does not pain all of us to not feel protected by their own father?” saad pa ni Leon.
Paliwanag naman ni Dennis, sadyang nami-miss niya lamang ang kaniyang mga anak kung kaya't idinadaan niya sa social media ang pag-reach out sa mga ito.
Samantala, sa isang vlog noong September 2022, nagsalita rin si Julia kung may pag-asa pang maging maayos ang estado ng relasyon nila ng amang si Dennis.
“I'm not sure if it can ever be the same again, but I do hope for healing and just ma-resolve,” ani Julia.
RELATED GALLERY: LOOK: Best-kept photos of Dennis Padilla with his kids