GMA Logo dennis trillo
What's Hot

Dennis Trillo calls out food provider: "Bakit may bubog sa pagkain?"

By Aimee Anoc
Published September 23, 2021 3:45 PM PHT
Updated September 24, 2021 3:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

dennis trillo


Dennis Trillo on posting his food experience: "Ayaw ko lang na mangyari pa sa iba ito..."

Nagbabala si Dennis Trillo tungkol pagpapa-deliver matapos makakita ng bubog sa pagkaing in-order niya para sa girlfriend niyang si Jennylyn Mercado

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Dennis ang video ng mga bubog na nakuha niya sa pagkain ni Jennylyn. Maririnig din na sinabi ng aktres, "Buti hindi ko nalunok."

Ipinost daw niya ang video para magbigay babala sa mga nagpapa-deliver ng pagkain.

Ayon sa aktor, nabili niya ang pagkain sa isang vegetarian restaurant sa Marikina.

"Ayaw ko lang na mangyari pa sa iba ito... Nag-order ako kagabi para kay Jen around 6 p.m, ito ang nangyari. Bakit may BUBOG sa pagkain niya???" pagbabahagi ng Legal Wives actor.

Hindi rin nakatiis na magbigay ng mensahe ang ilan sa mga kaibigan ni Dennis at maging ang followers nito.

"Ay pucha!!!" sulat ni Jerald Napoles

"FUUUUUDGEEEEEE..." sabi naman ni Kevin Santos.

"Yo thats f***ed up. Buti hindi niya nalunok," dagdag pa ni Jay R.

Habang isinusulat ang istoryang ito, mayroon nang mahigit 56,000 views ang post na ito ni Dennis at 337 comments.

Sinubukan ng GMANetwork.com na kunin ang pahayag ng naturang restaurant sa pamamagitan ng private message sa social media account nito.

Ayon sa restaurant, nagsasagawa na sila ng imbestigasyon tungkol sa insidente. Nakipag-ugnayan na rin daw sila sa aktor tungkol sa pangyayari.

Samantala, tingnan sa gallery na ito ang notable television roles ni Kapuso actor Dennis Trillo: