GMA Logo dennis trillo
Source: dennistrillo (IG)
What's on TV

Dennis Trillo, hindi naghabol ng kasikatan sa pagiging artista

By Kristian Eric Javier
Published August 11, 2026 12:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mindanao grid under yellow alert on August 11, 2026
Feel the Kilig: 'You're My Favorite Song' official theme song now streaming
Mindanao grid under yellow alert on August 11, 2026

Article Inside Page


Showbiz News

dennis trillo


Mas gusto raw ni Dennis na ituring ang sarili bilang isang artist kaysa bilang isang star.

Isa sa mga pinakaimportante at hindi malilimutang role ni Dennis Trillo ay ang pagganap sa kauna-unahan niyang pelikula, ang Aishite Imasu 1941: Mahal Kita (2004).

Sa katunayan, matinding paghahanda ang ginawa ng aktor para magampanan ang kaniyang role sa naturang pelikula.

Gumanap dito si Dennis bilang si Ignacio “Igna” Basa, isang transgender woman na ispiya laban sa mga Hapon.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, August 10, ibinahagi ni Dennis na bilang baguhang aktor, nakarinig siya ng terror stories tungkol sa kanilang batikang direktor na si Joel Lamangan. Kaya sinigurado niyang wala itong masasabi tungkol sa kaniyang performance.

“Ang pinakadireksyon ni Direk Joel dun ay, 'Babae ka, hindi ka lalaki dito.' So ganun yung mindset ko, talagang mahinhin, talagang babae ako, talagang walang makitang bahid ng machismo.

“Parang lahat ng sabihin niya, talagang ina-absorb ko lang talaga lahat para 'wag akong magkamali at matuwa siya sa mga trabahong gagawin ko,” sabi ni Dennis.

Isang paraan ng Kapuso Drama King para magawa ito, nag-i-internalize siya. Malaking tulong din ang make-up para sa transformation niya. Bukod pa roon, binago rin niya ang kaniyang movements at mas pinaliit niya ang mga galaw. Nagpapayat din umano ang aktor para mabawasan ang laki ng kaniyang mga balikat.

BALIKAN ANG VERSATILE ROLES NI DENNIS SA PELIKULA AT TELEBISYON SA GALLERY NA ITO:

Ang mga pagganap umanong ganito ang dahilan kung bakit mas gusto ni Dennis na ituring ang sarili bilang isang artist kaysa bilang isang star. Aniya, hindi naman niya kailanman pinangarap na sumikat.

“Gusto ko lang pagbutihan 'yung mga opportunities na binibigay sa 'kin. Noong simula pa lang, isa sa mga pinakauna kong roles ay isang cross-dressing na spy noong panahon ng mga Hapon. So du'n pa lang, parang kung gusto mo maging superstar siguro, parang hindi 'yun 'yung mga klase ng proyekto na tatanggapin mo,” sabi ni Dennis.

Panoorin ang panayam kay Dennis dito: