What's Hot

Dennis Trillo, ipinaliwanag ang di pagdalo ni Jennylyn Mercado sa GMA Gala 2024

By Kristine Kang
Published July 24, 2024 2:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Park Ji Hoon is coming to Manila in 2026
Hoopster from Pavia, Iloilo is NCAA 101's Most Valuable Player
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

dennis trillo


Alamin dito ang dahilan kung bakit di nakadalo si Jennylyn Mercado sa GMA Gala 2024:

Isa sa mga inabangan ng fans sa GMA Gala 2024 ay ang pagrampa ng Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa red carpet. Ngunit marami ang nagtaka nang solong dumating si Dennis at hindi kasama ang kanyang asawa.

Sa ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, ipinaliwanag ni Dennis na nagkaroon ng biglaang pagbabago sa kanilang plano.

Sabi ng Pulang Araw actor, "Nagkarooon kami ng emergency sa bahay kaya hindi siya nakasama."

Nilinaw rin ng Kapuso Drama King na hindi dapat bigyan ng anumang kulay ang hindi pagdalo ni Jennylyn sa GMA Gala 2024.

Nagsalita na rin ang glam team ni Jennylyn tungkol dito kamakailan.

Sa isang Instagram post ng hair dresser na si Bianca Vergara, sinabi niyang papunta na sana ang Ultimate Star sa event ngunit kailangan mag-back out para alagaan ang panganay niyang anak na si Jazz.

“She was supposed to attend GMA Ball. In fact ready na kaming lahat , but sadly nagka emergency si Jazz [anak na panganay] nagkatrangkaso. So as a parents mas naging priority lang nila ang mga anak nila kaya 'di naka attend ang Ultimate Star natin,” sulat niya sa caption.

Kasama nito ang ilang litrato ni Jennylyn suot ang kaniyang body-fottong lace gown na may mermaid bottom.

Katunayan, may funny video pa ang aktres sa kaniyang Instagram account. Kita sa kaniyang reel ang kaniyang funny poses na maala OA model. Sa caption sinulat niya, "Nandiyan si Crush... act normal."

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny)

Hindi ito ang unang pagkakataon na wala si Jennylyn sa isang malaking event ng GMA Network. Matatandaan na wala rin ang Kapuso star sa pinakabagong station ID ng network, na pinagmulan ng fake news tungkol sa paglipat niya ng network.

Sa isang panayam ay tinuldukan na ni Jennylyn ang isyu at sinabing “Happy pa rin ako na maging Kapuso.”

Nilinaw rin niyang wala siyang natatanggap na offer mula sa ibang networks.

Panoorin dito:

Samantala, tingnan ang mga pinarangalan sa GMA Gala 2024 dito: