
“COVID is back guys!”
Iyan ang caption ni Kapuso Drama King Dennis Trillo sa kaniyang Instagram post kung saan ni-reveal niya na nag-positive sila ng asawa niyang si Jennylyn Mercado at one-year-old daughter nilang si Dylan sa COVID-19.
Nag-post si Dennis ng self-composed song na ''Gamutin na natin 'to!' by Den & Den" sa kaniyang Instagram page kung saan sinabi niya sa lyrics na hindi niya inasahang tatamaan pa siya ng sakit.
“Oh, ito na nga, tinamaan din ako, akala ko'y hindi na tatablan nito. Ba't nag positive ako? Gamutin na natin ito,” kanta ni Dennis sa video.
Bukod pa rito, ibinahagi rin niyang nag-positive din ang misis niyang si Jennylyn at ang anak nilang si Dylan, “Pati na ang misis ko, may COVID kaming tatlo.”
BALIKAN ANG MGA CELEBRITIES NA NAKA-RECOVER MULA SA COVID-19 SA GALLERY NA ITO:
Samantala, nagpadala na rin ng well wishes ang ilang katrabaho at kaibigan ni Dennis sa industriya, at maging mga fans at nertizens. Ilan sa mga nagpahatid ng well wishes ay si Nelson Canlas, ang co-actor niya sa Maria Clara at Ibarra na si Kiel Rodriguez, ang aktor na si Rafael Rosell, at si Igan, Arnold Clavio.
Samantala, patuloy naman ang success ng romantic drama series na pinagbibidahan ni Dennis kasama si Bea Alonzo na Love Before Sunrise, habang si Jennylyn, bibida naman sa upcoming series na Love. Die. Repeat. kasama si Xian Lim.
Tingnan ang post ni Dennis dito: