GMA Logo Dennis Trillo
What's on TV

Dennis Trillo, kumasa sa TikTok dance challenge habang suot ang kanyang 'Pulang Araw' costume

By Jansen Ramos
Published November 23, 2024 6:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo


Kumasa ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo sa TikTok dance trend na 'Dun Sa Likod' habang suot ang kanyang costume para sa kanyang karakter sa 'Pulang Araw,' 'Alam n'yo na kung bakit napakadaling makatakas ng mga bihag.'

Kinaaaliwan sa TikTok ngayon ang mga bagong dance videos ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo.

Kung seryoso ang kanyang role sa GMA Prime series na Pulang Araw, kabaligtaran ito ng ipinapakita niya sa social media.

Patunay diyan ang dalawang TikTok videos niya kung saan suot pa niya ang kanyang costume para sa kanyang karakter sa serye bilang Colonel Yuta Saito, isang Japanese Imperial Army officer.

Sa isang video, sinayaw ni Dennis ang "Dun Sa Likod" dance trend habang may headphones at eyeglasses filter. Sa ngayon, mayroon na itong mahigit 1.2 million views sa TikTok.

"Bored na naman si Koronel," biro ng aktor sa caption.

@dennistrilloph Bored na naman si Koronel #fyp #foryoupage #goodvibes ♬ original sound - SoundStreet

Ni-repost ito ni Dennis sa kanyang Instagram account at sinabing, "Alam n'yo na kung bakit napakadaling makatakas ng mga bihag #Yutatiktok."

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo)

Sa sumunod niyang TikTok post, gumawa pa si Dennis ng Makapili version ng dance trend kung saan nakatakip ang kanyang ulo ng bayong habang sumasayaw.

"Makapili version… bago makatakas ang lahat ng mga bihag," ani Dennis sa caption.

@dennistrilloph Makapili Version… bago maka takas ang lahat ng mga bihag😖 #fyp #foryoupage #goodvibes ♬ original sound - SoundStreet

Nagkomento pa ang kanyang Pulang Araw co-star na si Sanya Lopez sa nasabing post ni Dennis. Hirit na biro ng aktres, "pag maraming time si Yuta."

Mapapanood ang Pulang Araw mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay din ito sa GTV sa oras na 9:40 p.m.

Maaari rin itong mapanood sa Kapuso Stream.