GMA Logo Jennylyn Mercado and Dennis Trillo
Source: dennistrillo (Instagram)
What's Hot

Dennis Trillo, may nadiskubre sa misis na si Jennylyn Mercado sa kanilang bagong pelikula

By Jimboy Napoles
Published July 7, 2024 7:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Jennylyn Mercado and Dennis Trillo


Dennis Trillo kay Jennylyn Mercado: “Nagugulat pa rin ako sa mga bagong nadi-discover sa kaniya.”

Masaya si Kapuso Drama King Dennis Trillo na natapos na nilang gawin ng kaniyang misis na si Jennylyn Mercado ang kanilang comeback film together na Everything About My Wife.

Ayon kay Dennis huling nakatrabaho niya ang kaniyang asawa ay sa teleserye pa na My Faithful Husband noong 2015.

Kuwento ni Dennis nang makapanayam siya ng GMANetwork.com sa taping nga bagong GMA Station ID, nagulat pa rin siya sa mga na-discover niya kay Jennylyn nang magsama ulit sila sa isang proyekto.

Aniya, “Masayang-masaya ako na natapos na namin 'yung pelikula na 'yun at nag-schedule na lang kami ng playdate para doon. Maganda 'yung naging experience ko dahil first time ko ulit siyang nakatrabaho…last time kong nakatrabaho si Jen, My Faithful Husband pa ata so ilang years ago na.”

Paglalahad pa niya, “Nagugulat pa rin ako sa mga bagong nadi-discover sa kaniya at nagugulat ako na malaman at ma-discover ulit kung gaano ba talaga siya ka-seryoso sa trabaho niya and gaano siya kasaya katrabaho dahil iba rin 'yung energy na binibigay niya sa mga project na ginagawa niya kaya masarap katrabaho 'yung ganun na alam mong pareho kayong pinapaganda 'yung isang proyekto.”

Nang tanungin naman si Dennis kung nag-aaway rin ba sila sa set, ito ang kaniyang sagot, “Kailangan lang lagi siyang maging masaya 'di ba para 'wag kayong mag-aaway sa set. Kailangan, open ka sa pagiging collaborative sa kaniya, at sa lahat ng mga tao sa paligid. Ayun lang naman, sabay-sabay kaming umuuwi, masaya.”

Samantala, puspusan na rin ang taping ni Dennis para sa higly-anticipated series ng GMA na Pulang Araw kung saan first time niyang gaganap bilang isang kontrabida. Ang nasabing serye ay pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards.

Bukod dito, gaganap din si Dennis bilang serial killer sa seryeng Severino: The First Serial Killer kasama ang internationally acclaimed actress na si Dolly De Leon.

RELATED GALLERY: Jennylyn Mercado and Dennis Trillo's inspiring holiday family
portraits