
Napasayaw si Kapuso Drama King Dennis Trillo matapos na manalo sa "Gabi ng Parangal" ng Metro Manila Film Festival (MMFF), kung saan itinanghal siyang Best Actor para sa pelikulang Green Bones.
Sa isang TikTok video, ipinakita ni Dennis ang trophy na napanalunan habang kuwelang sumasayaw. Sulat niya, "Victory Dance as a Jejeboy. Let's win guys!"
@dennistrilloph Victory Dance as a Jejeboy panalo tayo guys!💚🎄☃️🎞️🏆 #greenbonesmovie #mmff2024 #fyp #foryoupage #goodvibes ♬ original sound - Mr. Coco Martin
Sa isa pang TikTok post, ipinarating ni Dennis na hindi pa rin siya makapaniwala sa pagkapanalo. Pinasalamatan din niya ang mga taong nasa likod ng kanyang tagumpay.
"Someone has won! For the people behind the camera, those who arrive first set and go home last. Thanks for the extra work you do for the artists. Long live, I will never forget all your hard work, at least here I reach my gratitude to you. Labyu guys, you know who you are," sulat ng aktor.
@dennistrilloph May nanalo na!🏆 Para sa mga tao sa likod ng camera, ang mga pinaka unang dumating set at pinaka huling umuuwi. Salamat sa extra na trabaho na ginagawa ninyo para sa mga artista. Mabuhay kayo, hindi ko makakalimutan ang lahat ng hirap ninyo, kahit dito man lang ay umabot pasasalamat ko sa inyo🙏 labyu guys, you know who you are!😘 #fyp #foryoupage #goodvibes @Rebecca Aguila @Katrina Aguila @Sir Jan ♬ Nyebe - SB19
Kasama ni Dennis na bumibida sa Green Bones ang Kapuso actor na si Ruru Madrid, na nanalo rin ng Best Actor in a Supporting Role. Inside link:
Ang Green Bones ay idinirehe ni Zig Dulay at isinulat nina National Artist Ricky Lee at Anj Atienza.
Congratulations, Dennis Trillo!
SAMANTALA, NARITO ANG MGA PAGBATING NATANGGAP NG 'GREEN BONES' MULA SA ILANG CELEBRITIES: