
Bumisita si Pulang Araw star at Kapuso Drama King Dennis Trillo sa Japan kamakailan para maging bahagi Philippine Tokyo Festival 2024.
Kasama niya dito ang kanyang co-star na si Pambansang Ginoo David Licauco at magkasama niyang pinasaya ang ilang mga Pinoy na nagtatrabaho sa Japan.
Habang nasa Tokyo, gumawa ng ilang makukulit na collaborations sina Dennis at David para sa kanilang TikTok accounts.
Ibinahagi ni Dennis ang behind-the-scenes footage ng pagpaplano at pag-eensayo nila ni David para sa mga videos na ito.
"Training my Tiktok protege," pabirong sulat niya sa kanyang post sa Facebook.
Bukod sa pagiging mahusay na aktor, humakot pa ng mas maraming fans si Dennis kamakailan dahil sa pagpapakita niya ng kakulitan sa TikTok.
Hindi inaasahan nito ng kanyang mga tagahagan, pati na ng ilang pang mga manonood na nakakakilala sa kanya kaya naman talagang patok ang mga videos niya sa nasabing platform.
Makikita naman ang impluwensiya ni Dennis sa TikTok account ni David na unti-unti na ring nagpapakita ng kanyang fun-loving side dito.
@davidlicauco Pwede na ba ako mag artista
♬ forda cry cry si arman - Only|Filipinas
Samantala, bahagi sina Dennis at David ng GMA Prime wartime family drama na Pulang Araw.
Sa huling dalawang linggo nito, masusubukan ang tatag ng pag-ibig ng karakter ni David na si Hiroshi para kay Adelina (Barbie Forteza) matapos malaman ng dalaga nag pinakatatagong lihim nito.
Hindi naman titigil ang karakte ni Dennis na si Col. Yuta Saitoh sa paghananap kay Teresita (Sanya Lopez) na nagdadalangtao na pala.
Patuloy na panoorin sina Dennis Trillo at David Licauco ang lalong lumalalim ng kuwento ng Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
Maaari rin itong panoorin online sa Kapuso Stream.
Panoorin din ang same-day replay sa GTV, 9:40 p.m.