GMA Logo Dennis Trillo
Photo by: dennistrilloph (TikTok), rickcalderonmakeup (IG)
Celebrity Life

Dennis Trillo, pinasaya ang netizens sa bagong TikTok video

By EJ Chua
Published March 24, 2025 1:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Metro Manila, Luzon to have cloudy skies, light rains on Christmas Eve
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo


May dala na namang katatawanan si Dennis Trillo sa bago niyang TikTok video!

Muling pinasaya ni Dennis Trillo ang kanyang followers at fans sa bago niyang video sa sikat na video-sharing application na TikTok.

Labis na napatawa ni Dennis ang netizens at mga nakapanood nito dahil sa paggamit niya ng sobrang kapal at tila hindi maipintang makeup filter sa kanyang mukha.

Makulit na isinama ng celebrity dad ang isang orange stuffed toy na kilala ng viewers bilang si Herbie sa kanyang bagong pakulo sa TikTok.

Sulat niya sa caption ng kanyang video, “Uso raw ito eh.”

Matapos itong mapanood, bumuhos ang iba't ibang reaksyon ng viewers sa isa na namang funny TikTok video ni Dennis.

Ang ilan sa kanila, napa-comment pa ng “Dok, gising na po siya” at ang ilan ay tila nagsusumbong sa asawa ng aktor na si Jennylyn Mercado.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 80,000 views at mahigit 5,700 heart reactions ang naturang video sa TikTok.

@dennistrilloph Uso daw ito eh… #fyp #foryoupage #goodvibesonly ♬ original sound - Benji 💙

Samantala, ang Kapuso real-life couple na sina Dennis at Jennylyn ay magkasamang mapapanood sa upcoming GMA series na Sanggang Dikit.