GMA Logo dennis trillo and judy ann santos
What's Hot

Dennis Trillo reunites with Judy Ann Santos

By Maine Aquino
Published December 7, 2024 7:08 PM PHT
Updated December 7, 2024 7:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

dennis trillo and judy ann santos


Muling nagkita sina Dennis Trillo at Judy Ann Santos, na dating nagkasama sa pelikula 20 years na ang nakakaraan.

Muling nakasama ni Dennis Trillo ang kaniyang Aishite Imasu 1941: Mahal Kita co-star na si Judy Ann Santos.

Sa Facebook reels ni Dennis ay binalikan niya ang kaniyang karanasan ng makatrabaho ang kinikilala niyang isa sa mga pinamahusay na aktres sa industriya.

Ani Dennis baguhang artista pa lamang siya noong magkatrabaho sila ni Judy Ann sa Aishite Imasu 1941: Mahal Kit, na kauna-unahang pelikula niya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) noong 2004.

PHOTO SOURCE: Facebook: Dennis Trillo

"20 yrs ago, isang napakalaking karangalan para sa baguhang artista na tulad ko na makatrabaho sa aking unang MMFF movie na “Aishite Imasu” ang nag-iisang Ms Judy Ann Santos 🙏 Isa sa pinakamahusay na aktres sa ating industriya 😊"

Ikinuwento rin ni Dennis kung gaano siya kaswerte na maging bahagi ng proyektong ito.

Saad ni Dennis, "Noong MMFF 2004, pinalad po akong makasali sa pelikulang Aishite Imasu 1941, isang pelikulang isinulat si Mr. Ricky Lee sa direksyon ni Joel Lamangan, kung saan nakatrabaho ko si Miss Judy Ann Santos. Napaka swerte para sa isang bagito sa showbiz, na makatrabaho silang lahat para sa aking kauna unahang pelikula."

Ayon pa sa Pulang Araw actor na si Dennis, muli silang nagkita ni Judy Ann dahil parehong may entry sa MMFF 2024. Si Dennis ay bibida sa pelikulang Green Bones ng GMA Pictures at GMA Public Affairs. Samantala, mapapanood naman si Judy Ann sa Espantaho.

"Makalipas ang dalawampung taon…nagkikita kita ulit kami sa isa na namang natatanging Pagdiriwang…ang MMFF2024 sa kanilang ika-50th na anibersaryo!"

SAMANTALA, NARITO ANG MGA OFFICIAL ENTRIES SA MMFF 2024: