GMA Logo dennis trillo on pulang araw
What's on TV

Dennis Trillo, sa kanyang 'Pulang Araw' role: 'Mas lalo pa kayong maiinis sa akin'

By Jimboy Napoles
Published September 12, 2024 7:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

dennis trillo on pulang araw


May inspirasyon ba sa pagiging kontrabida si Dennis Trillo sa 'Pulang Araw'? Alamin dito:

Marami ang natatakot at nanggigigil ngayon sa karakter ni Kapuso Drama King Dennis Trillo bilang si Col. Yuta Saitoh sa hit family drama ng GMA na Pulang Araw.

Ang kaniyang karakter bilang si Col. Saithoh ang isa sa mga namumuno sa Japanese forces na layong sakupin ang Pilipinas.

Dahil ito ang unang major kontrabida role ni Dennis, tinanong ng GMANetwork.com kung ano o sino ang inspirasyon niya para magampanan ang pagiging masama ng kaniyang karakter.

Sagot ni Dennis, “Sa totoo lang, wala talaga akong nag-iisang role model.”

Paliwanag niya, mas importante sa kaniya ang makuha nang tama ang pananalita niya bilang isang Hapones.

Aniya, “Ang importante lang doon ay 'yung nahanap ko 'yung boses ni Yuta. Napaka-importante niyan para sa isang karakter na bukod sa look, e, makahanap ka rin ng boses na babagay doon sa look and doon sa karakter ko lalo na nagsasalita ng Hapon 'yung character ko ngayon.”

Dagdag pa niya, “Mas naghanap ako ng mga peg na boses at kung paano talaga makakasalita because 'yun 'yung mga Japanese na lines. Kadalasan, marami akong pinanonood ng mga Japanese na movies nilalagyan ko lang ng mga subtitles pero pinapalitan ko 'yung audio para makuha ko 'yung tamang intonation o pag-pronounce nila.”

May mensahe rin ang aktor sa mga manonood na naiinis na sa kaniyang karakter.

“Masasabi ko sa inyong lahat, 'Thank you sa pananood at nararamdaman ko na effective 'yung ginagawa ko dahil kiniinisan ninyo ako. Pero 'yun talaga ang gusto kong maramdaman ninyo. Kaya abangan n'yo pa 'yung mga susunod na mga mangyayari, mas lalo pa kayong maiinis sa akin and sana kahit nainis kayo, huwag kayong bibitiw sa pananood.”

Sa latest episodes ng Pulang Araw, napanood na ang tuluyang pagdating ng mga mananakop na mga Hapones sa Maynila noong January 2, 1942. Ito ay matapos mabigo ang Amerika na depensahan pa ang bansa sa Japanese forces.

Ang mga tagpong ito ang magbibigay takot sa mga bidang sina Eduardo (Alden Richards), Adelina (Barbie Forteza), at Teresita (Sanya Lopez).

Dito na rin nila malalaman ang pag-anib ng kanilang kaibigan na si Hiroshi (David Licauco) sa hukbo ng Japanese Imperial Army na pinamumunuan nga ng karakter ni Dennis na si Col. Yuta Saitoh.

Sa tumitinding giyera, makikita ang magiging paghihirap ng mga Pilipino sa kamay ng mga mananakop na Hapones at kung anong mga paraan ang gagawin nila upang makaligtas noon sa World War II.

Patuloy na subaybayan ang Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Prime.

RELATED GALLERY: Dennis Trillo, ipinakilala na bilang malupit na kalaban sa hit GMA series na 'Pulang Araw'