GMA Logo Dennis Trillo, Calix Ho
Source: dennistrillo (IG)
What's on TV

Dennis Trillo, suportado ang anak na si Calix sa pagpasok sa showbiz

By Kristian Eric Javier
Published August 10, 2026 6:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Man nabbed for killing of LGBTQIA+ member in Bukidnon
Sofia Pablo, Iñigo Jose to star in music video together

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo, Calix Ho


Si Dennis Trillo pa mismo ang magwo-workshop sa anak na si Calix oras na pumasok na ito sa showbiz.

Lubos ang suporta ng Kapuso actor na si Dennis Trillo sa kagustuhan ng panganay na anak at fencing star na si Calix Andreas Ho na pasukin ang mundo ng showbiz.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, August 10, ibinahagi ni Dennis na ipinapahayag na ni Calix ang kagustuhan niyang maging artista.

“Gusto niya, mahilig din siya. Ngayon, tinatanong niya ako kung puwede raw siyang mag-workshop at voice lessons. Sabi ko, 'Sige, gawin natin 'yan kapag wala kang school,'” sabi ni Dennis.

Sabi pa ng Kapuso actor, siya pa mismo ang magwo-workshop sa anak kapag dumating ang panahon na iyon.

Ngayong 18 years old na si Calix, may ilang paalala rin si Dennis sa kanyang anak. Isa na nga dito, huwag itong magmamadali at i-enjoy lang ang buhay.

Ibinahagi rin ni Dennis na may girlfriend na si Calix. Ayon pa sa aktor, pakiramdam niya ay ito na ang pinakaseryosong relasyon ng anak dahil pinakilala sa kanila.

Kaya naman, paalala niya, “Mag-iingat, palagi, dahil siyempre Tito, 'yung mga bata ngayon, mapupusok. Minsan hindi natin alam 'yung mga ginagawa nila, so mga paalala lang talaga 'yung magsisilbing reminder.”

Samantala, isang pagkakamali ni Dennis na ayaw sana niyang maulit ng anak ay ang makabuntis nang hindi pa ito handa.

“Gusto ko prepared at siguradong kaya niyang panindigan lahat ng responsibilities kapag nangyari 'yun. Pinaghahandaan,” sabi ng aktor.

MAS KILALANIN PA ANG ANAK NI DENNIS NA SI CALIX SA GALLERY NA ITO: