
Sasabak na muli sa aksyon ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo para sa kanyang upcoming series na Hari ng Tondo.
Sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras noong Sabado, August 22, ibinahagi ng Kapuso actor ang kanyang paghahanda para sa serye.
"Ang gaganda ng mga eksenang ginagawa namin. Nakakatuwa katrabaho si Direk Enzo dahil grabe 'yung pagtutok niya sa mga bawat characters ng show," bahagi niya.
Ayon kay Dennis, kakaiba ang mga action scene na matutunghayan sa serye, lalo na't inamin niyang wala siyang ka-double para rito.
"Sa ngayon, siguro 'yung maaksyon talaga, nag-prepare talaga kami lahat ng mga action sequences," pahayag niya.
Dadgag pa niya, "Ginagawa namin ng actual at alam mo 'yun, makita talaga na pinaghirapan namin bawat eksena."
Makakasama ni Dennis sa serye sina Ruru Madrid, Rocco Nacino, Ryza Cenon, Ysabel Ortega, Elle Villanueva, Arra San Agustin, at Heath Jornales.
Abangan ang Hari ng Tondo soon sa GMA.
Panoorin ang buong balita dito:
Video courtesy of GMA News (YT)
RELATED GALLERY: The ageless charm of Kapuso Drama King, Dennis Trillo
I