
Halos apat na buwan nang kasal ang celebrity couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna kung kaya't bukod sa kanilang mga trending na stunt at paandar sa social media, maraming netizens din ang nag-aabang sa kanilang magiging honeymoon.
Kaugnay nito, tila may pahiwatig ang aktor na si Derek sa kanyang recent Instagram post tungkol sa kanilang honeymoon ng asawang si Ellen.
Makikita sa post ni Derek ang mga larawan nila ng kanyang asawa na nakasuot ng formal attire at tila nakahanda na sa kanilang flight. Kalakip ng mga larawan ay ang nakakaintrigang caption ni Derek.
"We are going on our honeymoon baby!" caption niya.
Bagamat walang ibang detalye na ibinigay ang aktor sa kanyang post, marami sa kanilang mga kaibigan ang nagkomento at nagpakita ng excitement sa kanilang honeymoon.
March 30, 2021, nang ma-engage sina Derek at Ellen. Matapos ang siyam na buwan na relasyon ay ikinasal din ang dalawa sa isang resort sa Bagac, Bataan noong November 11, 2021.
Balikan ang mga larawan sa kanilang naging kasalan sa gallery na ito.